Thu. Oct 22nd, 2020

Press Release
September 18, 2020

STATEMENT OF SENATOR RISA HONTIVEROS ON THE DSWD BUDGET DEFICIT, EXCLUSION OF SOCIAL PENSION OF 91,000 SENIOR CITIZENS

LINK:
https://www.facebook.com/128801740656/posts/10164685989405657/

91,000 lolo’t lola ang maiiwanan sa 2021 budget.

There is an alarming neglect of our senior citizens. Parang isinantabi natin sila.

84% pa lang ang nabibigyan ng pensyon noong nakaraang taon. Hindi pa lahat ay nabigyan at ngayon, kakaltasan pa.

Ang mga lolo’t lola natin ang pinakabulnerable sa lipunan, may pandemya man o wala. Pensyon na lang ang inaasahang pantawid sa pang-araw-araw na gastos, kasama na ang gamutan. Imbis na taasan ang halaga, binawasan pa natin sa gitna ng krisis.

We already know that many families struggle to make ends meet more so now. Higit 50,000 senior citizens ang naghahanap pa ng trabaho sa gitna ng pandemya, despite having the highest COVID-19 mortality risk. Di na alintana ang panganib sa kalusugan para lang patuloy na suportahan ang sarili at ang kanilang mga pamilya. Pero kahit magbukas pa ang ekonomiya, habang wala pang vaccine, hindi pa din sila makakalabas as clearly stated by the IATF guidelines. It is even more urgent that we distribute the social pension immediately. Obligasyon ng gobyerno na protektahan ang mga senior citizens.

My office is working on a DSWD budget proposal with the Coalition of Services of the Elderly. Ngayong budget deliberations, sisiguraduhin natin na hindi maiiwan ang mga lolo’t lola. Siguraduhin nating naalagaan at nasusuportahan ang pangangailangan nila.

By Bureau