Wed. Jan 20th, 2021

Press Release
November 11, 2020

Transcript of Zoom interview of Senate President Vicente C. Sotto III

Q: (Unclear)

SP Sotto: Oo, sapagkat maliwanag na ang anti insurgency fund kung papano nila gagamitin. Hindi naman sa military nakalagay. Akala kasi ng iba nasa Department of National Defense. Hindi. Nasa Assistance to Local Government Units. Kasi ang programa, linawin natin ang programa, kapag ang military o ang gobyerno, ay naglinis ng isang lugar na puno ng mga insurgents, pagkaalis nila doon, ano ang mangyayari? Wala. Babalik ang mga insurgents. Tapos, ang mga tao doon ay makukumbinsi na naman ulit. May mahihikayat na naman sila. Ganoon iyon eh. So, ang ginagawa, ang programa na gagawin ngayon, pagkalinis ng iisang lugar, papalitan iyon ng mga eskuwelahan, ng mga patubig, ng mga jobs employment, barangay health workers, barangay health clinics, iyon ang ilalagay doon. Iyon ang magiging programa doon. Hindi para sa sundalo ang mga budget na iyon. Iyon ang mali o akala ng iba. Ngayon, ano ba kasi ang gusto mong tutukan? Gusto mong lagyan ang para doon sa pandemic. Meron. Pero, gusto mo dagdagan? E di kunin natin ang mga nababanggit na wala sa lugar. Andaming wala sa lugar. Pero ito, kapag inalis mo ito, para mo na ring inalis ang laban sa insurgencies. What is your real purpose? You want to add for the pandemic? Or, you want to remove the anti-insurgency budget? That’s the question, di ba? Kung gusto mo lang naman tumulong sa pandemic, kumuha tayo sa iba. Napakarami na mas malalaki pa. Iyon iyong mga inilahad kanina ni Senator Lacson na mga listahan. Sobra sobra na. Lalagpas ng 68 billion.

Q: On the arguments of Sen. Drilon with the Supreme Court ruling on the violation of pork barrel

SP Sotto: Hindi. Hindi na. Kasi akala eh hindi maliwanag kung saan dadalhin. Ang akala kasi sa Department of National Defense. Sa Assistance to Local Government Unit and pinaglagyan. (inaudible) Special Purpose Funds that’s why it does not violate any Supreme Court rulings.

Q: On what will happen to the CREATE Bill

SP Sotto: Wala na sanang problema as of last night. Monday pa lang or kagabi pa lang, puwede na talagang maipasa. Kaya lang may mga kinukuwestiyon pa si Sen. Gordon asking for a consensus, hinayaan na lang ni Sen. Cayetano na mag formulate si Sen. Ralph at Department of Finance ng wordings para ma address ang isang specific na may portion doon an dapat ayusin as far the economic zones concern.

On whether SP Sotto is okay with Sen. Hontiveros’ full blown investigation on the sports facilities loaned during SEA Games

SP Sotto: Hintayin na muna natin na sagutin ng mga kinauukulan iyong issue bago kami makaisip, at bigla kaming bibiglain na titira ng isang full blown investigation. Meron thin round na nilalakaran dyan at tama ang point ni Sen. Cayetano na para bang binabalewala mo lahat ang mga achievement ng SEA Games. Parang binalewala mo ang mga paghihirap ng mga athletes na sasabihin natin na eh kasi illegal iyong ginawa. Iyon iyon ang point. Tignan naman natin kung ano ang isasagot sa mga alegasyon na mali ang procurement, na mali ang pagkakakuha ng loan, or something to that effect. Hintayin namuna nating sumagot. Bago tayo gumawa ng full blown investigation na in aid of what.

Q: If for the meantime the Senate will not conduct an inquiry yet?

SP Sotto: I don’t know. I am not the chairman of the Blue Ribbon. What am I saying is my opinion na let us listen to the answer for those who were alleged involved in the loans.

Q: On the presented pictures of the skeleton buildings presented by Sen. Lacson

SP Sotto: Siyempre, hindi tayo natutuwa doon. As a matter of fact, hihintayin natin, na dapat sitahin ng COA iyan. Or, perhaps we will be able to clarify that we will have a better picture or better prospect pagdating ng budget ng Department of Public Work and Highways. Kasi nandoon sa ilalim lahat ng DPWH lahat iyon.

On whether SP Sotto is amenable on the proposal of Sen. Lacson to scrap the 68 billion worth of multi-purpose buildings

SP Sotto: Kung ganyan ang resulta, siyempre papayag tayo na alisin iyon kung ganyan ang nakikita natin at ika nga hindi malinaw kung paano ginamit ang pera ng DPWH.

On whether SP Sotto is in favor of realigning the budget to other projects

SP Sotto: Yes. Kung maliwanag. Teka muna, rewind. Pagdating ng budget ng DPWH, then we can tackle that. Kung nakikita natin (unclear)… kasi as of now ang mga binanggit na (unclear) hindi equal distribution

On whether SP Sotto sees the need to really identify the districts of this mentioned areas

SP Sotto: As I said, all my answers will be prematurely kaya I am very tentative. Tignan muna natin iyong budget ng DPWH saka natin masasabi iyan. Anong district ba? Ilan ang district sa Davao? Alin doon? Di ba? Kaya as I’ve said medyo tentative ako doon sa pagsagot. When the (unclear).. makakasagot tayo ng (unclear).

On Senate Bill No. 244

SP Sotto: Sana it is a wish (unclear) pero I do not know why laging medyo may, there is some people in government who are not too keen about it (unclear) but what we can do is that the senate moves it along… dapat we should do it… consensus from the House to support it, and convince the Executive Department that it should be done. Kasi meron silang kino-quote. Just this morning Sec. Dominguez was quoting something like a statement by then Pres. Ronald Reagan about not downsizing government, parang something to that effect. Makikita mo na hindi masyadong accepted ang idea to some executives, but there have been some studies made at maganda ang epekto niyan. Maganda ang leaner bureaucracy less gastos for government, there will be more funding or more budget for government to deliver basic services.

Q: (Unclear) is 65 percent ng budget (unclear) na pupunta sa PS, tama ba?

SP Sotto: (Unclear) last (unclear) ganoon pa rin, 60-65 percent goes to personal services, so…

Q: Will you appeal to Sen. Bong Revilla to convene his committee and discuss this bill considering na nasa pandemic tayo, kailangan natin ng budget, kailangan natin i-address yung bloated bureaucracy?

SP Sotto: Yes (unclear). Siguro naman they will (unclear) that particular issue.

Q: Sabi ni Cong. Salceda ng Albay bakit daw ayaw icreate yung department of disaster resilience na P1.5 billion lang naman ang kailangang budget, and yet ang Senate nagbudget ng P10 billion para sa inyong building sa BGC?

SP Sotto: Magkaiba yun, huwag niya idikit yun sapagkat taon-taon napakalaki ng binabayaran ng Senado dito, renta ng renta, renta ng renta from 1995 to the present. Hindi naman kami ang huling makikinabang dito, yung mga darating pang Senado. Imbes na nagbabayad sila, may sarili na silang building. Walang kinalaman yun sa bakit hindi magtayo ng ibang departamento. It’s not fair to include that. Gusto nila, sila ang mag rent, kami doon sa Batasan.

Q: Doon kay Sen. Bong Revilla, magpapatawag po ng hearing?

SP Sotto: Oo, doon sa rightsizing kasi pagka na-right-size natin, tapos nagkaroon tayo ng sinasabi kong early retirement program, then okay lang kung magkaroon ka ng department of disaster, or you upgrade the NDRRMC, marami ka ng pwedeng gawin pero Habang bloated tayo, magdadagdag tayo ng pang bloat, tama ba yun?

Q: (Unclear) agencies po yung nakikita ninyong dapat i-right-size?

SP Sotto: Halos lahat. Halos lahat ng departamento napaka raming empleyado.

Q: Kahit yung mga line agencies, mga bureau…?

SP Sotto: Over-employed eh, over-employed ang gobyerno.

Q: Si Presidente nag offer ng reward doon sa mga magsusumbong ng katiwalian, may P50,000, maliit na amount, malaking amount, yung corruption, P100,000. Gaano ka-effective yung ganoong reward system? At saan manggagaling ang pondo?

SP Sotto: I have no idea. Hindi pa natin nasusubukan, so I would not be able to venture a guess kung effective an or hindi effective yan, Ngayon pa lang yan, so perhaps we can even term it as an experiment of the President. Subukan natin, hindi pa natin nasusubukan.

Q: Sa experience ninyo sa drugs, effective yung mga ganoong rewards at sa mga crimes, effective yun?

SP Sotto: Oo. Sa PDEA nung araw, I don’t know about lately, very effective yun sapagkat pagka may reward, mas ginaganahan, mas lumalakas ang loob noong gustong magsuplong. May mga gustong mag suplong pero natatakot, pero kung may reward, lumalakas ang loob. Kita ko yun nung araw.

Q: Tungkol sa horror-roll ni Sen. Ping kanina, old story na ba ito sa inyo or quite new, especially yung amount nung pera, nung pondo na involved?

SP Sotto: Hindi, based on that question kanina, my answer was no, it is something new to me. Usually kasi sa mga pinagdaanan kong mga budgets, usually, yung mga districts, hindi masyadong nagkakalayo ang mga amounts ng mga funding nila, especially pagdating sa DPWH. Merong mga iba, biglang merong isang province na (unclear) or something, hindi district, pag merong papagawang malaking infrastructure in any area, or merong mga calamity, yung mga ganoon, hindi nakakapagtaka na (unclear) malaki bigla. So bago sa akin ito, na merong ilang district na saksakan ng laki yung amount.

Q: Tapos SP, kung halimbawa na makita ninyo talaga during the budget debate na hindi justified yung allocation na ito, paano yun, you will move for the equal distribution of projects? Ganoon?

SP Sotto: I will see how the members of the Senate will address it. Not my – hindi ako. Hindi ko (unclear) ang magiging aksyon ng aming mga kasama.

Q: Sabi ninyo kanina, you mentioned something na dapat equal distribution, ano ba yung, pagdating sa (unclear).

SP Sotto: (Unclear) ang alam ko equal distribution kasi halos ang mga projects ng iba’t ibang sangay ng gobyerno lalo na ng DPWH. Sa Senado, walang ganoon na ngayon eh, ilang taon na yan eh, wala ng ganoon eh. Nung araw meron di ba. Meron kaming limitasyon kung ilan ang dapat mong pwedeng ipasok na amendments. Pero ang nangyari sa Senate lately, on the time of President Duterte up to now is naging institutional amendments ang karamihan. Merong mga amendments na pinopropose kami galing sa local governments. Mga hiling ng mga mayor, hiling ng mga governors. Kung merong pagkukunan, pinapasok namin, ganoon lang. Wala kaming exact figure na pinaguusapan.

Q: And then sir, last na lang. Yung sabi ninyo nga kanina – kanina dun sa related sa S.B. 244 sir, kanina madalas na namemention sa debate yung DAR. Pero sabi ninyo, maraming government agencies ang bloated pagdating sa staff sa number of employees. Can you mention other government agencies na hindi naman na talaga ganoon talaga ka-significant yung pangangailangan pero nandoon pa rin tapos bloated.

SP Sotto: Hindi ko ano… hindi ko – I cannot say so right now. Mas mabuting hindi ko muna – baka magkamali ako eh. Baka mali ako na ano eh. Ang ibig kong sabihin na bloated, sa kabuuan. Sa kabuuan kasi ang nakita ko, panahon ni Ferdinand Marcos, pagpasok ni Cory, hindi naman nagtanggal eh ng mga empleyado eh, nagdagdag. Pagdating ni FVR, hindi rin nagtanggal ng mga empleyado eh, nagdagdag. Pagdating ni – kasi merong tendency yung mga leaders na pagka dinatnan mo na, naaawa or nahihiyang tanggalin or palitan – sa karamihan. Yung mga leadership posts pinapalitan. Pero sa karamihan, sa kabuuan kahit hindi masyado kailangan, dadagdag na lang may mga pakikiusap. Usually ganoon eh. Pagdating ni Erap ganoon din. Pagdating ni Gloria ganoon din. Pagdating ni Noynoy ganoon din. Tingnan mo kung ilan ang tinanggal nila halos walang 10%. (unclear) pero ang dinagdag mas marami. Ganoon eh. Kaya nga sinasabi ko bloated. Eh bakit hindi mo ibloated sixty plus percent ng budget, ng P4 trillion, personal services.

Q: Ano yung ideal ba dapat na ilan lang dapat yung napupunta sa PS ng government sa isang ideal na government sir?

SP Sotto: I cannot say so. Depende eh. Depende sa departamento. In short, what I’m saying is a holistic overhaul of – holistic overhaul with proper planning and bureaucracy for efficiency and delivery of public services. Yun ang pinakamagandang ideal na pag-usapan natin papuntang rightsizing.

Q: Tapos last na lang SP. Kanina nag tanong si Senator Tolentino. Ano yung mas dapat na talakayin muna, idiscuss muna and sabi ninyo, yung position ninyo, kung kayo yung tatanungin, discuss the rightsizing bill muna bago yung possible creation of (unclear) and that is because?

SP Sotto: Eh kasi dadagdagan mo na naman ng bureaucracy. Pag hindi mo muna ni-right-size.

By Bureau